About JPE
Biography English Version  |  Filipino Version

Isang nilalang na ipinanganak na bastardo at nabuhay sa hirap ang patuloy na kabahagi at may impluensiya sa pandaigdigang pulitika.

Ang kanyang pamumuno sa pagbabalikwas sa EDSA ang naging huwaran sa pagpapatiwalag ng mga mapaniiil na rehimen sa buong mundo.

Ipinanganak si Juan Ponce Enrile sa Valentine's Day sa isang liblib na bayan sa Cagayan. Lumaki siya'ng hindi kinikilala ng kanyang tunay na ama. Ipinangalanan siyang Juanito Furugganan, na isinunod sa apelyido ng kanyang ina.

Sa pagnanais niyang makaangat sa buhay, umalis sa Gonzaga, Cagayan ang batang Juanito upang mag-aral sa poblacion habang naninilbihang utusan (o katulong??) sa bahay ng kamag-anak ng kanyang ina.

Paglaon, lumipat siya sa Aparri at nag-aral sa Cagayan Valley Institute.

Lumagablab ang World War II at sumali si Juanito, na ngayon ay isa ng binatilyo, sa guerillas. Nahuli siya, ikinulong at tinorture ng mga Hapon. Umiskapo siya sa piitan at, pagkatapos ng digmaan, ay nanilbihan sa U.S. Quaretermaster depot sa Aparri, Cagayan.

Habang lumalaganap ang digmaan, nag-evacuate sa Aparri ang mga dalagang anak ng kanyang ama sa legal niyang pamilya. Isang araw, nakita ng mga magkakapatid si Juanito at namangha sa pakakamukha niya sa kanilang ama. Pagkatapos ng ilang pagtatanong, napagtugma-tugma nila ang pagiging anak sa labas ni Juanito.

Pagkatapos ng digmaan, at sa pag-uudyok ng kanyang mga kapatid sa ama, naglakas loob na magpakilala si Juanito sa kanyang tunay na ama. Ilang araw siyang naglakbay mula Aparri. At nang makarating siya ng Maynila, hinanap niya ang bupete ng kanyang ama sa Binondo. Binata na si Juanito nang unang magkita sila ng kanyang ama.
Kinupkop ni Don Alfonso si Juanito at pinatira sa kanilang malaking bahay sa Malabon.
Binigyan siya ng bagong pangalan, Juan Ponce Enrile. At pinag-aral siya sa St. James Academy sa Malabon.

Nag-aral siya sa Ateneo de Manila noong 1974 at nagtapos ng Associate in Arts, cum laude. Cum laude din siya sa UP Law Class 1953. No. 11 siya sa Bar Exams na may gradong 91.72% at isa sa mga iilang naka-perfect score sa commercial law.

Nakakuha siya ng scholarship para mag-aral sa Harvard University kung saan siya nagtapos ng Master of Laws. Naging dalubhasa siya sa taxation at corporation law.
Pagbalik niya sa Maynila, nagtrabaho siya sa Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Bello Law Office. Inatupag niyang maging pinakamagaling na abogado sa corporate law at litigation. Panalo ang lahat ng kasong hinawakan niya.

Noong 1966, itinakda siyang Undersecretary of Finance, acting Insurance Commissioner of Customs and acting Chairman of the Monetary Board. Noong 1968-70, nanungkulan siyang Secretary of Justice. Siya ay naging. Secretary of National Defense noong 1970, isang posisyong hinawakan niya ng mahigit-kumulang sa labing-pitong taon hanggang 1986.

Inihalal siyang Assemblyman ng Cagayan noong 1978. Nanalo siya ng pangalawang term noong 1984.

Naging makasaysayan para sa bayan at sa buhay ni Enrile ang mga pangyayari noong February 1986. Pagkatapos ng magulong snap elections ng February 7, 1986 at sa gitna ng pambansang krisis na dala ng pagka-assasinate kay Senator Benigno Aquino, Jr., pumanig si Enrile sa bayan at naglakas-loob na pamunuan ang pagpapatalsik sa rehimeng Marcos. Ito ang naging simula ng People Power o EDSA Revolution.

Pinamunuan niya ang pag-oorganisa ng mga opisyal at iba pang sundalo ng militar , at sa tulong ng libo-libong mamamayan, iginiit niya ang karapatan ng mga Pilipino at tulong-tulong nilang pinabagsak si Marcos.

Nagdagsaan ang mga libong katao sa paligid ng Camp Crame sa EDSA upang sumuporta kay Enrile. Apat na araw nilang binigyan ng proteksiyon ang mga kasapi ng pag-aaklas laban sa mga loyalista ni Marcos.

Itinakda si Enrile ng bagong halal na pangulo na si Corazon Aquino bilang Secretary of Defense. Ngunit bumitiw siya sa katungkulan pagkatapos ng anim na buwan dahil sa pagkakaiba ng pananaw ng administrasyon sa direksiyong dapat tahakin ng pamahalaan.

Noong 1987, tumakbo siya at nanalo bilang Senador sa oposisyon, Siya ang tanging naging oposisyon sa Senado. Bilang Minority Floor Leader, kasapi siya ng lahat ng committees sa Senado. Kasapi rin siya sa Electoral Tribunal at ng Commission on Appointments.

Landslide ang pagkapanalo niya bilang Congressman kanyang probinsiya, First District ng Cagayan, sa eleksiyon ng Mayo11, 1992. Sumapi siya sa Liberal Party, na naging partido rin ng kanyang tunay na ama.

Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang Senador sa ilalim ng Lakas Coalition. Muli siyang naging kasapi ng Commision on Appointments at Chairman ng Ways and Means Committee ng Senado and ng Committee on Government Corporations and Public Enterprises.

Bilang Senador, pinamunuan niya ang pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform Program na ipinasa bilang batas sa katawagang Republic Act No. 8424.